|
| |
Ang umiiral na hamon ay, siyempre, aktuwal na makumpleto ang matagumpay na Pagtawid sa Atlantiko sa himpapawid gamit ang jet-wing.
Napakaraming hirap at balakid na kailangang supilin upang magtagumpay – hindi alintana ang mga kaganapan na wala sa kontrol ng kompanya o ng Challenger – sa ibang salita, ang mga elemento ng Kalikasan.
Ang Webtel.mobi at ang Challenger ay may parehong pananaw sa bumubuo ng tagumpay. Pananaw ng pareho na ang kakanyahan ng Challenge ay hindi ang pangunahing pagkumpleto nito ngunit ang pagiging handa, nagnanais at kakayahang subukan ito.
Hindi sa pamamagitan ng mga madadaling pagkilos o walang tiyaga sa mga balakid, na anumang pag-abante sa kahit anong negosyo o ibang arena ay naabot na. Naniniwala ang kompanya na ang tagumpay ay nagmumula sa aplikasyon ng determinado at nakatutok na tiyaga sa harap ng kahirapan – lalo na kung ang tagumpay ay hindi nakuha sa unang pagsubok.
Subalit, kung wala ang unang pagsubok, wala nang makakasunod at walang maaabot. Ang pinakamahalagang hakbang sa anumang kaganapan o pag-unlad ay ang una na nagsisimula sa biyahe papunta sa pagtatapos.
Kaya’t habang ang Challenge ay dinidiskartehan nang may kumpleto at masusing pagtutok, pagplano at dedikasyon, ang dulong resulta ay hindi pa tiyak. Kung madali itong gawin o kung ang dulong resulta ay garantisado, hindi ito magiging Challenge at hindi ito gagawin ng kompanya at ng Challenger.
Dahil sa mahirap ito – at dahil ang dulong resulta ay hindi tiyak – kaya’t ang Challenge ay sulit na subukan.
1. Hangin at Panahon

Kasama sa mga hamon sa paglipad ay ang hangin at panahon. Kilala ang paligid ng Sona na Babaan bilang “kapital ng mundo sa wind surfing”.
Ang lugar ay kakaiba sa mga terminong heyograpiko at meteorological. ang pagkalapit ng dalawang mga Kontinente ng Aprika at Espanya – pati na rin ang pagkikita ng malalim na Dagat ng Norteng Atlantiko sa mababaw na Dagat Mediterranean – ay ginawa sa lugat ng Sona ng Challenge na isinasalarawan ng mga climatologist bilang “isang topograpikong mangkok na may iisa lamang na labasan”.
Ang labasang iyan ay direkta sa Sona ng Challenge.
Ang pagkipot ng distansiya sa pagitan ng dalawang mga Kontinente ay bumubuo ng “Venturi Effect” kung saan ang mga hangin mula sa mga high pressure area ng Mediterranean na papunta sa low pressure area ng Norteng Atlantiko ay sinisiksik at tumutulin sa masyadong matuling bilis. Ito ay kilala bilang mga “Levanter” na hangin.
Ang mga hangin sa lugar ay maaari din magbago ng direksiyon nang walang pasabi – biglang lilipat mula Silangan papuntang Kanluran. Ang mga hangin ay humihihip din sa magkasalungat na direksiyon – nang sabay – sa magkakaibang taas, na may maliit na pagkakaiba lamang sa taas na naghihiwalay sa agos ng direksyon.
Upang magkaroon ng pinakatama at maaasahang mga forecast at impormasyon sa mga kaganapan sa panahon bago ang, at habang nagaganap Ang Challenge, ang Webtel.mobi ay nagtalaga sa Meteo France, isa sa mga nangunguna sa meteorological na pagtaya sa mundo, bilang Metereological na Sanggunian nito. Ang Meteo France ay magbibigay ng lingguhan, arawan at habang papalapit ang kaganapan, orasang pagtasa sa mga kundisyon sa loob at labas ng Sona ng Challenge.
ITAAS

2. Ang Pagsasahimpapawid

Ang pagtawid sa Dagat Atlantiko at pagdugtong mga mga kontinente ay nangangailangan ng pangunahing husay sa teknolohiya, pagplano at tapang, pinagsama. Ngunit ang hamon nang pagsasapimpapawid nito nang live, sa buong planeta, ay talagang kasing masalimuot.
Ang hamon sa pagsasahimpapawid ay upang i-film nang live ang kaganapan, habang nangyayari ito ay ipamahagi ito nang real time, sa pamamagitan ng satellite sa mga TV broadcaster at sa live na internet webcast, makukuha mula sa lahat ng bansa sa mundo – pati na rin ang pagbigay ng mga Video News Release sa mahigit 500 na istasyon ng Telebisyon matapos ang pag-Ensayo at matapos ang Challenge.
Ang pag-film ay gagawin sa lupa at sa ere gamit ang mga high definition na mga kamera ng TV. Ito ay hahawakang-kamay (gamit ang angkop na stabilized na mga lente) at nakakabit sa mga helicopter (buong gyro-stabilized).
Mula sa mga iba’t-ibang kamerang ito at mga pinagmumulang ng video ay ibe-beam pataas sa isang relay sa Cineflex na camera helicopter, at mula doon papunta sa transmitter aircraft sa taas ng air fleet habang tumatawid ito mula Morocco hanggang Espanya.
Ang mga signal na ito ay ibabalik pababa sa satellite truck na tatanggap at magmi-mix sa Sona na Babaan at mula sa satellite truck ang signal ay ipadadala sa Eutelsat at sa BT Tower, para sa libreng pag-downlink o pag-patch ng anumang broadcaster, pati na ng live na internet streaming sa isang pandaigdigang webcast.
Dalawang Video News Releases (VNRs) ang ipo-produce ng Associated Press Television News (APTN) para sa libreng distribusyon sa buong mundo gamit ang serbisyong distribusyon ng Global Video Wire ng APTN.
Ang internet webcast ay mada-downlink mula sa satellite, idadaan sa distribution amplifier at i-e-encode ng isang bangko ng mga server computer para sa distribusyon sa 50 000 na mga edge server ng Akamai Technologies na sasa buong mundo, para sa pagpapadala sa Webtel.mobi site para sa live na pagpapalabas. Ang signal ay lalabas sa dalawang magkaibang mga bitrate, 200 at 384.
Upang mapagsilbihan ang potensyal na pangangailangan, ang kapasidad ng datos na Pitong Daan at Limampu’t-Limang Milyon na Megabytes ng esapasyo ng datos ang nai-book na.
ITAAS

3. Logistics

Kahit na ang Webtel.mobi Intercontinental Challenge ay maiksi ang tagal (oras na ang Challenger ay nasa himpapawid), ang suportang logistical para sa Challenge ay naging isang pangunahing gawain.
Nangailangan ito ng pagpaplano at pagpapatupad ng magkakasabay na mga aktibidad na may malalim na suporta at mga ganapin, sa dose-dosenang mga bansa, sa magkaka-ibang wika, na may magkakaibang kompanya at mga pangkat ng tauhan, sa paligit ng malawak na magkakaibang saklaw ng mga disiplina.
Subalit, habang ang mga prinsipyo sa pagpaplano, pamamahala at pagpapatupad ng pandaigdigang walang harang na komunikasyon gamit ang multinasyonal at internasyonal na mga tauhan, mga serbisyo at mga kagamitan ay pareho ang komunikasyon man ay para sa Webtel.mobi na produktong pang-telekomunikasyon o isang pandaigidigan at multilingual na pagsasahimpapawid ng pangunahing pandaigdigang kaganapan, ang tagapamahala ng Webtel.mobi ay napamahalaan ang mga pangangailangang ito nang walang kahirap-hirap.
ITAAS

4. Tulong ng Media

Ang Webtel.mobi ay nakipag-ayos na sinumang interesadong mga broadcaster ay maaaring makakuha ng live feed ng kaganapan sa pamamagitan ng Eutelsat o ng BT Tower sa London.
Ang mga Video News Release (VNR) ay ipamamahagi din gamit ang live feed mula sa Ang Challenge pati na rin ang mga na-edit na mga VNR na ipinadala matapos ang Ensayo at matapos ang Kaganapan. Ito ay ipadadala gamit ang network ng APTN Global Video Distribution.
Sa lupa, sa Sona na Babaan, ang Webtel.mobi na nagtalaga ng static na studio-quality na kamera na magagamit nang ilang oras matapos ang pagtatapos ng Challenge, upang mapahintulutan ang mga manunulat na magsagawa ng mga panayam. Ang kamerang ito ay live ding maikakabot sa Eutelsat at sa BT Tower. Ang kamerang ito ay magagamit para sa mga live na panayan ng mga miyembro ng media na dadalo sa kaganapan at maaaring walang kasamang buong crew ng kamera o walang access sa oras sa satellite.
Maliban dito, maraming impormasyon hangga’t maaari ang binigay sa website ng kaganapan upang mabigyang ang mga miyembro ng media na hindi makakadalo nang may pinakamaraming posibleng impormasyon.
May seksyon na itatalaga sa website ng kaganapan kugn saan ang high resolution na mga still na imahe ang maaaring ma-download ng mga miyembro ng media nang libre, at ang tanging mga pangangailangan lang ay kilalanin ang Webtel.mobi at ang photographer sa kredito ng larawan.
May koponan ng mga media liaison na mga kawani na nandoon sa kahabaan ng Challenge upang tulungan ang mga miyembro ng media.
Ang mga miyembro ng media ay bibigyan din ng mga detalye ng mga kaugnay na tao sa Morocco at Espanya na kanilang kailangang maka-ugnay upang makuha ang mga kailangang pahintulot sa pag-film. Higit pa rito, ang Webtel.mobi ay nakipag-ayos para sa mga espesyal na mga rate sa eroplano sa Royal Air Maroc, at nagbibigay ng impormasyon ng mga ahente ng pagbiyahe (independiyente sa Webtel.mobi) na makakatulong sa pagplano ng biyahe.
ITAAS

|
|
|
|
 |