Indonesian Korean Chinese Portuguese Russian Arabic Turkish Urdu Dutch Polish Hindi Japanese Vietnamese Malay Tagalog Spanish French Italian German English
 
  Magsimula
 
 
 
  Ruta at Istatistika ng Challenge
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  Pangpanood ng Challenge
  Mga Litrato at mga imahhe
  Maikling Dokyumentaryo
Click here to be emailed about future Webtel.mobi events
 

Koponan ng Challenge

 

Ang pilosopiya ng Webtel.mobi ay kung hindi maintindihan ng sarili nitong mga tauhan ang alinman, alamin kung para saan ito at alam kung paano ito ipatutupad nang matagumpay, hindi ito isasaalang-alang ng kompanya.  Para ito sa produkto, serbisyo o anumang gawain na kaugnay ng kompanya – kasama ang Challenge.

Dahil dito, ang Webtel.mobi Intercontinental Challenge ay binuo, pinlano at ipinatutupad ng isang koponan ng sariling tauhan ng kompanya, na sila ang nagtatalaga at nagsasama kung kailangan ng ikatlong partido na espesyalista na tao o mga kompanya, na napatunayang mga eksperto na nagpamalas ng kalidad ng ekselensiya sa kanilang sariling partikular na mga field na pinasukan.   Ang mga ikatlong partido na ito ay gumagana sa ilalim ng direksiyon ng tauhan ng kompanya, bilang bahagi ng pangkat – pananaw din ng kompanya na ang pinakamahusay na resulta ay makukuha sa pamamagitan ng tao at mg entity na nagtatrabaho nang magkakasama bilang koponan.

Ang koponan na responsible, sa lahat ng respeto, para sa pag-isip, pagpaplano, pagpapatupad ng Webtel.mobi Intercontinental Challenge – at pagsasahimpapawid nito sa mundo - ay ang  sumusunod:-

1. Mga Pangunahing Partido
2. Mga Tagapagbigay ng Aircraft

3. Mga Piloto at Aviation na Tauhan

4. Koponan ng Media
5. Pag-film at Photography
6. Internet Streaming
7. Pagsasahimpapawid sa Radyo
8. Online Community Strategy
9. Seguridad, Kaligtasan, Paghanap at Pagligtas at Logistics
10. Suportang Meteorological

11.Pagsalin ng Wika


1. Mga Pangunahing Partido

Stuart Sterzel

Chairman at CEO ng Webtel.mobi Limited. responsible sa pag-iisip, pangkalahatang pagplano at  strategic na pamamahala at pagpapatupad ng lahat ng aspeto ng Webtel.mobi Intercontinental Challenge.

Hartwig Baier  

Project Leader para sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge, at isang miyembro ng koponan ng tagapamahala ng kompanya. Si Hartwig ay responsible para sa Pamamahala ng Proyekto at praktikal na implementasyon ng lahat ng aspeto kaugnay ng pagsasagawa ng  Challenge. Si Hartwig ay dating isang Air force Test Pilot at Inhinyero, na naging Test Pilot para sa ilan sa pinakamalaking kompanya sa aviation sa mundo bago niya itinatag ang kaniyang sariling kompanya sa pandaigdigang aviation (Aviation Traders Limited), na pinamahalaan niya sa nakaraang 30 taon, bago maging pinuno ng mga Espesyal na Kaganapan para sa  Webtel.mobi Limited.


YYves Rossy

Si Yves Rossy ay, sa pamamagitan ng kaniyang patuloy na pagtutok at determinasyon, nasupil ang napakaraming balakid at nagpursigi ng tagumpay sa pamamagitan ng personal na ekselensiya. Isang dating piloto ng Jet Fighter sa Swiss Air Force, at isang piloto para sa isang Pangunahing Airline sa Europa, natamo niya ang parehong tagumpay sa kaniyang field na tinatahak na natamo ng kompanya sa field nito. Sa kaniyang kaso, ito ay ang pagbuo ng mga jet-powered na pakpak para sa paglipad ng tao. Dahil sa naipamalas niya ang parehong pinahahalagahan ng kompanya sa kaniyang mga gawain, ang Webtel.mobi ay naghandog sa kaniya ng pagkakataon na tanggapin ang Webtel.mobi Intercontinental Challenge, at tinanggap niya ito. Siya ang unang Challenger sa magiging una sa serye ng mga  Challenge ng Webtel.mobi, kaya’t si Yves ay naitalaga bilang Challenger 1.

Mark Dawson

Finance Director ng Webtel.mobi Limited. Responsable para sa lahat ng aspeto ng pinansiyal na pagpaplano at pag-budget para sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge – na ang Webtel.mobi ay ang nagpondo ng lahat ng aspeto. Si Mark ay dating may hawak ng mga senior executive na mga posisyon bilang Finance Director sa mga multinational na kompanya, at nagpatuloy sa pagbuo ng kaniyang sariling pagsasanay sa auditing. Sa kalaunan pinagsama niya ang kaniyang kasanayan sa ibang kompanya ng auditing, at isa na ngayong kasosyo sa isang kasanayan sa auditing, pati na rin Finance Director ng Webtel.mobi Limited.


ITAAS

 

2. Mga tagapagbigay ng aircraft

Inaer

Ang Inaer Group ay isa sa pinakamalaking operator ng mga helicopter Europa, na may mahigit 180 aircraft sa fleet nito, mahigit 140 ay pag-aari nito. Ang mga helicopter ay ginagamit sa malawak na saklaw ng mga misyon, mula sa pagpatay ng sunog, pagsalba at transportasyon

 

 

Alfacam

Ang Alfacam ay nagbibigat ng transmitter aircraft para sa Challenge. Ang aircraft ay paliliparin ng subsidiary ng kompanya ng Alfacam, ang Euro Linx. Ang Euro Linx ay ang susing manlalaro sa wireless HDTV transmission domain at kayang punan ang anumang pangangailangan sa high-tech at advanced na mga wireless na koneksiyon. Ginawa bilang isang spin-off mula sa mga wireless na teknolohiya na ginawa sa Alfacam, ang Euro Linx ay espesyalista sa mga serbisyong HDTV satellite at mga wireless na transmisyon.


Flying Devil

Ang Flying Devil SA ay ang Swiss na kompanya na nagbibigay ng Pilatus PC 6 aircraft mula kung saan ang Challenger ay lalabas. Ang kompanya ay nagbibigay ng ilang mga karanasan sa paglipad na may malawak na saklaw ng nakakahamong disiplina na may mga maraming karanasang mga piloto at crew sa paglipad.


ITAAS

 

3. Mga Piloto at Tauhan ng Aviation

Ismael Carbonell (Falcon 1)

Si Ismael ay ang magpapalipad ng helicopter sa Paghahanap at Pagligtas, ang Falcon 1, ang Bell 412. Mayroon siyang 3 400 oras ng paglipad at karanasan sa pagpatay ng sunog, emerhensiyang medikal na pagligtas, paghahanap at pagligtas at pag-film sa ere.


Juan Cumplido (Falcon 2)


Si Juan ay ang magpapalipad ng Eurocopter AS355N, ang kamera helicopter. Mayroon siyang aabot na sa 7 700 oras ng paglipad at karanasan sa pagpatay ng sunog, paghahanap at pagligtas, pagmamanman sa gubat at emerhensiyang medikal na mga serbisyo.

Roland Brunner (Falcon 2)

SI Roland ay ang co-pilot ng Kamera Helicopter (Eagle 2). Mula 1982 ay nagpapalipad na siya ng mga helicopter at nakapagtrabaho na sa ilang kompanyang Swiss bilang piloto sa transportasyon at pagligtas at bilang guro sa pagpapalipad. Espesyalista si Roland specialises sa aerial photography.

 


Salvador Carrazoni (Falcon 3)

Si Salvador ay ang magpapalipad ng helicopter ng mga tauhan, ang Falcon 3, isang Bell 412. Mayroon siyang pagtasa bilang isang nagtuturo para sa 412 at mahigit 6 400 oras ng pagpapalipad. Mayroon siyang karanasan sa pagpatay ng sunog, paghahanap at pagligtas, at emerhensiyang medikal na mga serbisyo.

 


Enrique Arnau (Back Up Pilot)

Si Enrique ay may kulang lang sa 3 800 oras ng paglipad at may karanasan pagpatay ng sunog, paghahanap at pagligtas, pagsakay ng pasahero at emerhensiyang medikal na mga serbisyo.

Antonio Martinez

Si Antonio ay ang Commercial Director para sa Portugal at Espanya ng Inaer. Siya ay responsable sa koordinasyon at pagpaplano ng lahat ng aktibidad ng Inaer sa Challenge katulong ng koponan ng  Webtel.mobi  Intercontinental Challenge.

 

 

Jean-Marc Colomb (Eagle 1)

Siya ang piloto ng Launch Aircraft (Eagle 1). Si Jean-Marc ay nagpapalipad mula noong 1966, at naging kalahok sa komersiyal na pagpapalipad, aerobatic na mga pagpapalipad,  pagpapalipad at landing sa glacier at iba pang mahirap na disiplina sa pagpapalipad.

 


Gilbert Mullenders (Eagle 2)

Si Gilbert ay magiging piloto ng Beechcraft Super King Air na magiging relay platform para sa mag senyales mula sa camera helicopter papunta sa OB (Outside Broadcast) na truck sa Espanya. Nagsanay siya bilang isang piloto sa The Netherlands at sa Belgium, nagsilbi ng maraming taon sa Belgian Air Force. Mayroon siyang Belgian at Estados Unidos na mga kwalipikasyon bilang komersiyal na piloto at nakapagpalipad na sa ilang magkakaibang bansa, sa ilang magkakaibang aircraft, sa kaniyan sibilyan na karera sa pagpapalipad.

Paul Ewers (Eagle 2)

Si Paul ay ang ikalawang piloto ng Beechcraft Super King Air signal real aircraft. Sinimulan ni Paul ang kaniyang karera sa aviation bilang isang aircraft engineer bago magsanay bilang isang piloto. Nakapagpalipad na siya ng ilang magkakaibang uri ng aircraft at naging isang guro na rin.


ITAAS

 

4. Koponan ng Media

Brendan Seery

Si Brendan ay ang Head ng Media para sa Webtel.mobi. Siya ay isang manunulat na may mahigit 30 taon na karanasan bilang namyagang correspondent, investigative reporter at bilang editor ng isang pangunahing internasyonal na pangkat ng diyaryo.


Jim Freeman

Si Jim Freeman ay naging manunulat sa print at electronic media at award-winning na photographer, mula 1981, mula noong nagtrabaho siya sa Aprika, Europa at sa Gitnang Silangan. Nagtrabaho siya dati bilang tagapamahala ng komunikasyon ng korporasyon bago naging freelance na manunulat na espesyalista sa negosyo, politika at pag-unlad ng tao.



Media Impact

Ang Media Impact ay isang espesyalistang media at public relations na kompanyang base sa  Geneva Switzerland – na may koponan ng mga multi-lingual na espesyalista – na may malawak na karanasan sa mga kaganapan, media liaison at publisidad.

Gérard Sermier

Si Gerard ay ang Managing Director ng media relations na kompanyang Media Impact, at bahagi ng Koponan ng Media para sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge. Matapos magtrabaho para sa Radio Suisse Romande (RSR) bilang isang announcer sa radyo at sa Swiss publisher na Edipresse bilang isang manunulat, nagpursige siya sa karera sa media relations. Matapos magtrabaho bilang press attaché para sa mga multinational na kompanya ng ilang taon, binuo niya ang  Media Impact,isang publiko at press relations na ahensiya sa Geneva.

Fanny Eternod

Matapos magkumpleto ng Master of Arts sa Pagsulat sa University of Lausanne, sumali si Fanny sa koponan ng Media Impact noong 2006, at mula noon ay nakasama sa pagbibigay ng pandaigdigang media relations na serbisyo sa ilang mga kliyente sa iba’t-ibang bansa.



Aline Casal

Matapos magkumpleto ng Master of Arts sa Political Science sa University of Geneva, si Aline ay miyembro ng public relations na departamento ng isang pribadong bangko. Mula doon nagtrabaho siya sa departamento ng komunikasyon ng isang multinational na kompanya, bago sumali sa Media Impact noong Abril 2008 bilang isang press attaché.


 


ITAAS

 

5. Filming at photography

 

Associated Press Television News (APTN)

Ang APTN ang gagawa at mamamahagi sa buong mundo ng mga Video News Releases (VNRs) direkta sa bawat pangunahing newsroom ng telebisyon sa mundo nang sabay-sabay. Ang ibang mga serbisyo ay ang produksiyon ng mga video news releases at pagpoprograma – saanman sa mundo, gamit ang malawak na network ng mga kamera crew, pasilidad at satellite space.

Bart Stobart (Producer)

Si Bart ay Tagapamahala ng APTN Corporate Services Department, na may mahigit isang dekada ng karanasan sa pag-produce at pamamahagi ng video na pang-korporasyon at pagsasahimpapawid, nagtatrabaho sa magkakaibang saklaw ng publikong sektor at pandaigdigang mga kliyente katulad ng Shell, ang European Commission at Price Waterhouse Coopers. nakapagtrabaho na siya sa mga bansa sa buong mundo at nagpaplano, nagpo-produce at sumasaklaw sa napakalawak na saklaw ng mga kaganapan at mga aktibidad.


Phil Hastie (Cameraman)

Si Phil ay isa sa pinaka-may karanasang cameraman ng APTN – nagtrabaho na siya sa karamihan ng mga pandaigdigang channel at isang bukod-tanging lighting cameraman at ekselenteng inhinyero pa. Mula sa Kabul hanggang Devon si Phil ay nag-cover ng mga istorya sa buong mundo at may karanasan sa aerial photography sa trabaho niya sa coast na serye ng BBC.

Michael Pohl (Producer - Spain)

Si Michael ay isa sa pinakapinagkakatiwalaang kapareha ng  APTN – isang multiskilled na cameraman, siya ay sanay na mailagay sa mga sitwasyon at ginagawa lahat ng makakaya para dito. Mag-produce man, mag-film o mamahala ng proyekto, si Michael ay isang ligtas na pares ng kamay na nagtrabaho sa korporasyon  at field ng balita at nakapaglaan ng oras sa mga lugar na may gulo.



Euro-Linx - bahagi ng pangkat ng Alfacam

Ang Euro Linx ay ang nagpapadala ng mga HDTV na signal. Ang mga RF (Radio Frequency) na receiver sa Beechcraft Super King Air na pinatatakbo ng Euro Linx ay makakatanggap ng mga signal mula sa base sa lupa na mga kamera at mula sa Cineflex HD na kamerang nakakabit sa  Eurocopter na helicopter. Ang mga signal mula sa Super King Air ay ipadadala sa  OB (Outside Broadcast) na mga truck sa lupa sa Espanya. Sa loob ng mga truck na ito, ang mga signal ay imi-mix ay ipadadala gamit ang mga  satellite dish sa isang geo-stationary na Eutelsat na satellite at sa BT Tower sa London. Ang mga istasyon ng TV sa paligid ng mundo ay makakakuha ng mga signal na ito nang libre para sa kanilang programa.

Bruno Coudyzer

Siya ay isang Miyembro ng  Management Board ng Alfacam Group NV at Tagapamahala ng EuroLinx, bahagi ng Alfacam Group. Sumali si Bruno sa Alfacam noong 2007, kung saan naatasan siyang lalong pagbutihin ang aktibidad sa  wireless na transmisyon ng Pangkat. Bago ito, nagkaroon siya ng karanasa sa pagsasahimpapawid at HDTV bilang Commercial Manager sa ASH Video Facilities, bilang Sales Manager sa Lines Broadcast Systems at bilang Project Manager sa Outside Broadcast. Si Bruno ay ang Euro Linx Executive Manager na nagsasaayos ng live na pag-film at transmisyon ng footage gamit ang  microwave transmitter at Eutelsat. Si Bruno ay nakapamahala ng maraming mga live na broadcast, na may malawak na saklaw na tema sa buong mundo.

Gerd Kaiser

Si Gerd ang direktor ng live na pag-film ng  Webtel.mobi Intercontinental Challenge. Ipinanganak siya sa Germany at nag-aral ng pagka-inhinyero sa unibersidad, nagsanay pagkatapos sa ilang mga kompanya ng TV. Siya ay naging isang vision control engineer, editor at technical operations manager sa ilang TV at film na kompanya sa Europa at nagtrabaho bilang  project manager sa Aflacam Germany mula noong unang bahagi ng 2009.

Siya ay nagtrabaho sa ilang mahihirap na   OB (Outside Broadcast) na proyekto kasama ang World Cup 2002 sa Japan; ang World Cup 2006 sa Germany; Euro 2008 sa Austria at Switzerland; ang Olympic Games sa Athens (2004), Torino (2006), Beijing (2008) pati na rin sa Red Bull Air Race.

Sophie Van Bael

Si Sophie ang magkokoordina ng logistics para sa Alfacam/Euro Linx na mga koponan ng produksiyon sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge. Siya ay nakapagtapos ng journalism at nagtrabaho bilang production assistant at researcher sa ilang Belgian at Dutch na produksiyon sa telebisyon bago sumali sa seksyon na pagpaplano sa Alfacam nitong 2009.

 

Wim Robberechts & Co

Ang Wim Robberechts & Co ay itinatag noong 1984 at espesyalista sa Aerial filming (HD, video, film), Aerial photography at mga video ng Korporasyon. Pangunahin silang nagpi-film gamit ang gyroscopically stabilized na sistema. Pinahihintulutan sila nito na mag-shoot ng mga shock-proof na mga larawan na may mabibigat na mga tele-lense.

Evert Cloetens

Si Frank ay makaranasang aviation at aksiyon na photographer, siya ang may-ari ng Frank Herzog Fotografie fuer Werbung. Ang mga likha niya ay lumabas sa ilang prominenteng pandaigdigang produksiyon. Siya ang kukuha ng mga larawang still at mga still ng aerial na photography sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge. Bago binuo ang kaniyang sariling kompanya, nag-aral siya ng advertising design at nagtrabaho bilang art director para sa Porsche Cars.

Frank Herzog Fotografie fuer Werbung

Si Frank Herzog Fotografie fuer Werbung ay isang base sa Germany na espesyalistang photography na kompanya na sumasaklaw sa malawak na sakop ng espesyalistang disiplina ng photography – kasama ang aerial na photography. Ang kompanyang ito ay kukuha ng mga still na litrato ng Challenge – sa lupa at sa ere.

Frank Herzog

Si Frank ay makaranasang aviation at aksiyon na photographer, siya ang may-ari ng Frank Herzog Fotografie fuer Werbung. Ang mga likha niya ay lumabas sa ilang prominenteng pandaigdigang produksiyon. Siya ang kukuha ng mga larawang still at mga still ng aerial na photography sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge. Bago binuo ang kaniyang sariling kompanya, nag-aral siya ng advertising design at nagtrabaho bilang art director para sa Porsche Cars.


ITAAS

 

6. Internet Streaming

William Gets

Si William ay ang Head ng Visual Media para sa Webtel.mobi at may mahigit isang dekada ng karanasan sa field. Dati siyang namahala ng ilang mahihirap na mga proyektong visual media sa industriya ng media at advertising. Siya ang mamumuno ng pandaigdigang webcast ng Webtel.mobi Intercontinental Challenge sa lahat ng bahagi nito pati na rin lahat ng may kaugnayan sa tatak.

Brainstorm

Ang Brainstorm ay isang buong serbisyong ahensiya ng advertising na nagbibigay ng pangkorporasyong komunikasyon na ssrbisyo sa mga kliyente nito nang mahigit isang dekada. Ang Brainstorm ay nagbibigay ng iba’t-ibang serbisyong graphic design, animation at front end web development para sa Webtel.mobi.

 

Groovy Geckoat si Sat Stream

Groovy Gecko ay respetado bilang nangunguna sa field nito at isa sa pinakamatagumpay na Streaming Media na kompanya sa Europa, nanalo ng inaugural na "ISPA Best Streaming" na gantimpala noong 2006. Ang SatStream ay ang pinakamalaking bespoke broadcast-standards na pasilidad sa Europa na ispesipikong dinesenyo para sa  content acquisition mula sa Satellite at pinasahimpapawid gamit ang Streaming sa pamamagitan ng internet.  Sila ay magda-downlink ng signal mula sa satellite, magdadagdag ng mga komentaryo sa ilang mga wika, ita-transcode ito at ipapamahagi gamit ang CDN (Content Delivery Network) ng Akamai Technologies.

Craig Moehl

Si Craig ay ang Managing Director ng Groovy Gecko at SatStream.  Sa nakaraan, si Craig ay nagtrabaho sa McKinsey, at matapos bilang European Operations Manager sa MTV Networks. Binuo ni Craig ang Groovy Gecko noong Nobyembre 1999. Noong 2008, si Craig ay nabigyan ng prestisyosong  StreamingMedia.com na gantimpala na kinikilala siya bilang isa sa pangunahing 25 indibiduwal sa mundo na naghugis sa industriya ng satellite streaming sa nakaraang huling dekada.

Alan Mercer

Si Alan ay ang Operations Director sa SatStream at isang media professional na may mahigit 30 taon ng karanasan sa mga organisasyon katulad ng BBC, EuroNews at Al Jazeera, nagsimula sa antas ng pamamahala sa mga engineering, produksiyon at new media na kapaligiran ng mga organisasyong ito.  

 

 

Akamai Technologies

Ang Secure Streaming na plataporma ng Akamai ay nagpapahintulot ng encoded na mga video feed mula sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge na kaganapan na ma-stream mula sa lokasyon ng kaganapan sa mga gumagamit ng Internet. Ang rehistrasyon upang manood ng kaganapan ay libre sa http://challenge.webtel.mobi at kailangan lamag ng kumpirmasyon ng isang email address.  Ang live na mga video stream na may multilingual na komentaryo ay makukuha sa multiple na mga bitrates sa  flash at windows media player na mga format, para sa pagkakatugma sa cross platform, nagpapahintulot sa mga milyon ng mga streamed na panonood ng  Webtel.mobi Intercontinental Challenge ng mga gumagamit ng Internet sa buong mundo.

Isotoma

Ang Isotoma ay isang nangungunang website development na kompanya. Ito ay nagbibigay ng teknikal na suporta sa Webtel.mobi para sa Challenge website at streaming ng live video na kaganapan, kasama ang pagsasama ng backend na imprastraktura ng Google App Engine at  Secure Streaming ng Akamai bilang front end ng Challenge website. Ang Isotoma ay nagtatrabaho alinsunod sa prinsipyo na ang mga proyekto ng teknolohiya ay hindi kailangang magkamali. Ang pagtutok sa paglahok ng kostumer, pakikinig sa mga tinatarget na mga gumagamit at pagsiguro sa tamang teknolohiya ay pinatutupad sa tamang problema ang dahilan ng tagumpay ng proyekto. Ang kompanya ay may mga dekada ng karanasan sa software design at pagpapadala. Ang kanilang karanasa ay ang dahilan kung bakit sila ang awtoridad sa kanilang ginagawa.

Doug Winter

Si Doug ay Direktor at kasamang-may-ari ng Isotoma. Dati siyang Technical Manager ng BBC Online at gatekeeper para sa lahat ng mga proyektong para sa paglunsad sa papalabas ng plataporma ng BBC at responsible para sa kalidad at pagtupad sa mga teknikal na pamantayan. Noong 2000 umalis si Doug sa BBC upang maging CTO ng Business Europe, at mula doon ay itinaguyod ang Isotoma. Sa Isotoma, si Doug ang namumuno sa solution architecture, disenyo at pagpapadala.

Andy Theyers

Si Andy ay Direktor at kasamang-may-ari ng Isotoma. Dati siyang bahagi ng senior management na koponan sa UK systems integrator na ioko365, kung saan si Andy ay naging Senior Technical Account Manager para sa ilang sa mga pinakamalaking kliyente nito, kasama ang  BSkyB, Royal Dutch/Shell Group at EMI Music. Sa Isotoma si Andy ang namumuno sa mga Plone na proyekto na isinasagawa ng kompanya at pinamamahalaan ang pagpapabuti ng negosyo.

David Watson

Si David ay Direktor at kasamang-may-ari ng Isotoma. Siya ay may background sa sistemang Unix at IP networking, at si David ay dating Technical Architect ng UK systems integrator na ioko365 sa pagitan ng 1996 at 2004 responsible para sa disenyo, implementasyon at suporta sa operasyon ng ilan sa pinakamataas ng mga  profile website sa Europa.  Noong 2004 binuo niya ang award winning na consultancy na Securability, at kasama ang dalawang taon nang pamumuno sa online non-functional na koponan sa pagsubok sa BSkyB sa pinakamalaking CRM na implementasyong proyekto sa Europa.  Bilang direktor at Chief Research Officer ng Honeynet Project, si David din ay aktibong computer security researcher at regular na naghahandog sa gobyerno, militar at mga ahensiya sa pagpapatupad ng batas  sa UK at US. Sa Isotoma si David ang namununo sa teknikal na koponan na gumawa ng teknikal na imprastraktura para sa streaming na kaganapan ng hamon.

Francois Jordaan

Si Francois ay ang Direktor ng User Experience sa Isotoma. Mula noong 1996 si Francois ay nagtrabaho bilang isang information architect at interaction designer, nagdidisenyo ng malalaki at puno ng paggamit na mga website at aplikasyon ng web. Siya ay naging IA lead sa maraming mga pangunahing account na korporasyon at mula 2007 si Francois ay naging responsible para sa implementasyon ng makukuhang, inclusive na disenyo ng web site para sa mga proyekto ng Isotoma.

Webtel.mobi

Upang masiguro na ang Webtel.mobi Intercontinental Challenge ay maaaring i-webcast sa pinakamalaking manonood na posible, ang Webtel.mobi ay nagpatupad ng istraktura kung saan ang pagpapadala ng streaming ay suportado ng Akamai Technologies at ng Google App Engine.

Google App Engine

Ang App Engine ng Google ay ginagamit upang magpadala ng scalable at performance driven na streaming. Ang Java at mga JSP na mga pahina ay ginagamit upang bigyan ang publiko ng impormasyon tungkol sa Webtel.mobi Intercontinental Challenge na kaganapan at suportahan ang pandaigdigang rehistrasyon sa panonood ng live at on demand na  internet streaming ng live na kaganapan.

 


ITAAS

 

7. Broadcast sa Radio



Radio WKZL 107.5

Ang WKZL 107.5 ay ang Istasyon ng Radyo sa Estados Unidos na magsasahimpapawid ng mga excerpt ng Challenge live sa Morning Show nito. Ang istasyon nito ay makukuha sa radyo at sa buong daigdig sa pamamagitan ng internet sa pamamagitan ng live streaming sa www.1075kzl.com. Ang WKZL 107.5 ay isang Mainstream na Top 40 na isatasyon na lisensiyado sa Winston-Salem, North Carolina at nagsisilbi sa Piedmont Triad na lugar, kung saan kasama din ang Greensboro at High Point. Ang outlet, na pag-aari ng Dick Broadcasting, ay tahanan din ng #1 rated na Murphy in the Morning Show.

Josh Anderson

Si Josh ay isang co-presenter ng pang-umagang programa sa istasyon ng radyo na 107.5 WKZL sa Estados Unidos. Siya ay gagawa ng live na pagsasahimpapawid sa radyo ng Challenge. Si Josh ay isang bihasang radyo broadcaster, at manunulat ng awit at naging paborito ng mga tagahanga nang ilang taon dahil sa kaniyang pilosopong pananagot at nakakatawang mga parody na kanta.

Jared Pike

Si Jared ay ang co-presenter ng programa sa umaga sa istasyon ng radyo na 107.5 WKZL sa Estados Unidos. Siya ang kasamang maghahandog ng live na pagsasahimpapawid sa radyo ng Challenge. Sinimulan ni Jared ang kaniyang broadcasting career sa 107.5 WKZL, at naging co-presenter sa pang-umagang show sa pakikinayam sa mga kilalang personalidad  sa gobyerno, libangan at palakasan – kasama si Barack Obama, Bill Clinton, at Dick Vitale ng ESPN..


ITAAS

 

8.. Istratehiya ng Online na Komunidad

Unruly Media

Ang Unruly Media ay isang social media marketing na kompanyang espesyalista sa distribusyon ng may tatak na nilalaman. Tutulong sila na mapag-usapan ito sa Twitter para sa Challenge, bago ang kaganapan at sa araw mismo at magpapatakbo ng isang  viral video na paligsahan kasama ang Zooppa.

Scott Button

Si Scott ay ang CEO ng Unruly Media. Mayroon siyang siyam na taong karanasan sa digital marketing at mga serbisyong software. Bago itinatag ang Unruly Media noong 2006, siya ang CEO ng Connextra, isang pinuhunanan ng venture na kompanyang nagseserbisyo ng ad at nagaanalisa ng online na kaniyang binenta noong 2005. Mayroon siyang MA mula sa Cambridge at isang BPhil mula sa Oxford, pareho sa pilosopiya ang dating gumawa ng maiigsing mga  spell sa House of Commons at sa McKinsey & Co.

Sarah Wood

Si Sarah ay ang Operations Director ng Unruly Media. Pinamamahalaan niya ang dumaraming network ng mga publisher ng Unruly Media. siya ay nagsusulat at nagtatrabaho kasama ang mga may-akda at mga publisher nang ilang taon. Mayroon siyang MA mula sa Cambridge at isang PhD mula sa UCL, pareho sa larangan ng literatura ng America at kasalukuyang nagsusulat ng nobela tunkol sa Yellow Fever na epidemika ng Pennsylvania noong 1793. Bago niya itinatag ang Unruly Media, siya ay Lecturer at Leverhulme Fellow sa Sussex University



Zooppa

Ang Zooppa na pangunahing pinagkukunan ng user-generated na advertising sa mundo, ay magpapatakbo ng video-making na paligsahan sa Challenge. Pinahihintulutan ng Zooppa ang mga tatak na direktang makakonekta sa kanilang mga kostumer at ang pinakamalawak na mapanlikhang komunidad na gumawa ng kaakit-akit na advertising. Ang Zooppa ay ang nakakaabalang social-media platform na nagpapakawala ng crowdsourcing sa pinakamahusay nito. Ang nakaraang  Webtel.mobi na kampanya sa Zooppa ay nakalikom ng 174 na nakakaengganyo, nakakagulat at mapanlikhang mga viral video mula sa paligid ng mundo, na nakagawa ng bagong record para sa Zooppa.


Wil Merritt

Si Wil ay ang CEO ng Zooppa. Base sa Seattle, USA, Si Wil at ang pandaigdigang koponan ng  Zooppa ay nangunguna sa user-generated advertising na rebolusyon. Si Wil ay ang dating Presidente at Publisher ng edisyon sa Europa ng  TIME magazine. Nagtrabaho din siya bilang Senior Vice President sa Corbis, ang pribadong digital media na kompanya ni Bill Gates. Ang Zooppa ay direktang nagtatrabaho sa mga pangunahing brand at sa kanilang mga ahensiya ng advertising upang gumawa ng masyadong nakaka-engganyong advertising sa pamamagitan ng kanilang pandaigdigang mapanlikhang komunidad.





ITAAS

 

9. Seguridad, Kaligtasan, Paghanap at Pagligtas at Logistics

GCE Consultants

Ang GCE Consultants ay nagbibigay ng pamamaraan sa seguridad, logistics at mga serbisyong liaison para sa Challenge. Ito ay isang Specialist Security at Operational Risk Mitigation na Kompanya na may pandaigdigang abot. Nagtatrabaho mula sa mga opisina sa maraming lokasyon sa mundo, ang kompanya ay nagbibigay ng mga serbisyong ito sa magkakaibang Pandaigdigang base ng kliyente.

Garth Eloff

Si Garth ay ang Operations Director ng GCE Consultants. Siya ang mamumuno ng Search and Rescue (SAR) na koponan para sa Intercontinental Challenge.  Si Garth ay isang retiradong Special Forces Operator, at kasunod ng kaniyang matagumpay naSpecial Forces career, binuo niya ang GCE Consultants. Siya at ang kaniyang kompanya ay matagumpay na nagsagawa ng ilang mga espesyalistang seguridad na aktibidad sa mundo.

Cathy Eloff

Si Cathy ay ang Managing Director ng GCE Consultants. Siya ang magiging Ground Commander para sa Challenge. Si Cathy ay isang retiradong Army Intelligence Officer at kasunod ng kaniyang matagumpay na Military career, binuo niya ang GCE Consultants kasama si Garth Eloff. Siya at ang kaniyang kompanya ay matagumpay na nagsagawa ng ilang mga espesyalistang seguridad na aktibidad sa mundo.

Dr José Manuel Gutierrez.

Si Dr Gutierrez ay ang magiging emergency trauma na doktor sa Paghahanap at Pagligtas na helicopter, Falcon 1. Mayroon siyang degree sa medisina at isa rin siyang kwalipikadong surihano. Nakapagrabaho siya bilang emergency na doktor sa mga yunit ng helicopter mula noong 2005 at ang Medical Director ng Inaer Helicopters.

 

The Spanish Coast Guard
(Maritime Safety and Rescue Agency)

The Spanish Maritime Rescue Agency has received an Advisory Document regarding The Challenge, and has Search and Rescue maritime units in the ports of the area prepared for any emergency at sea, including a fast action boat of 15 metres in length, and one of 21 metres in length. The Spanish Maritime Safety and Rescue Agency employs over 1,500 professionals who provide the service 24 hours a day, 365 days a year. The resources that belong to the Maritime Rescue Agency have been strategically placed along the almost 8,000 kilometres of the Spanish coastline and include 16 rescue vessels, 55 fast intervention vessels (Salvamares) and 9 search and rescue helicopters. All these units have been designed for maritime rescue and pollution combat operations; they are manned by specialists and provided with the most advanced technical resources.


ITAAS

 

10. Meteorological na Suporta

Meteo France

MAng Meteo France ay kilala bilang pangunahing sentro ng ekselensiya sa meteorology sa mundo, gumagamit ng mga pinakabagong satellite technology at mga super-computer upang magbigay ng tamang mga pagtaya. May karanasan ito sa pagbibigay ng impormasyon sa panahon sa sektor ng aviation.

Sylvain Mondon

Si Sylvain ay isang meteorologist at inhinyero na tinuturing na eksperto sa marine na pagtaya at may maraming taon ng karanasan sa mga serbiyong suportang meteorological para sa publiko at suporta sa kaganapan

 

Jean-Philippe Desbios

Si Jean-Philippe ay isang meteorological engineer at kilalang eksperto sa aeronautic na pagtaya at suporta sa kaganapan

 

 




ITAAS


11.Pagsalin ng Wika

Langauge Inc.

Ang Language Inc. ay responsible para sa pagsasaling-wika ng Webtel.mobi Intercontinental Challenge website sa 20 wika. Ang Language Inc ay nangongontrata ng mahigit 2,000 inang-wikang nagsasalitang propesyonal upang magbigay ng pagsaling-wikapag-edit, pag-proofread, copywriting, transcription at mga serbisyong interpretasyon sa lahat ng pangunahing wika

Dr. Nico Nortjé

Si Nico ay ang Chief Executive Officer ng Language Inc. He has B.Soc.Sc; B.Soc.Sc (Hons); MA (Psyc); D.Phil na mga degree at matatas sa maraming mga wika

 




ITAAS

 

 
 
English Italian French German Dutch Spanish Portuguese Polish Russian Portugese Turkish Arabic Urdu Chinese Hindi Japanese Vietnamese Indonesian Malay Korean
Tagalog